Project Lafftrip Laffapalooza

Nakita ko sa net ang Blog ni Inday na usong uso at nagcicirculate na ngayon sa mga email at kahit na sa karumal dumal na show ng Zaido ay pilit ginagaya sa katauhan ni Patricia Ismael aka Inday, the English speaking tsimimay. Minsan rin syang lumabas sa Bubble Gang played by Maureen Larazzabal. Tuwing makakausap nya ang amo nya ay unti-unti nyang paduduguin ang ilong nito gamit ang kanyang hifalutin words. Corny yung sa Channel 7 pero basahin nyo yung blog link sa taas at patok pa rin naman pala si Inday.^^

Anyway, kaya ko naman talaga ito pinost dahil gusto kong iboto ang mga humor blogs na pwede nating isali sa Project Lafftrip Laffapalooza ng kwentongbarbero.com. Eto ang list ko:

1 - Kamote Force by Clarence Garcia (ang aking idol aka Bob Ong Jr.)
2 - Munting Blog ni Agi by Agi Armentia (ang 2nd idol ko dahil magaling sa html)
3 - Blog ni Inday by these people

at syempre, dahil may papremyong Nokia N70 ME (what?!!), Sony Cybershot DigiCam (whaaattt??!!), at P15,000 cash (HUUUWAAATTT??!!!), at dahil wala akong kahit ano sa mga nabanggit ay isasama ko na rin ang blog ko ^^

4 - Online Tabletas by Humblejowdie (ang idol ng April Boys)

Maaari kayong bumoto tulad sa paraan ng ginawa ko ngayon (rules). At tulad ng dati, ang hindi bumoto sa amin ay magkaka-almoranas ulit (joke lang!) Palaguin natin ang Philippine Humor Blog Industry! (huh?!)

Yehey!

(Enjoy ako sa pagco-copy paste kaya't punong puno ng links ang post na to.)

                            

The Escalator Man

Wala na sigurong tatalo sa'kin sa pagkatuwa ko tuwing makakakita ako ng escalator. Kung tatanungin mo nga ako ngayon, masasabi ko talagang mas mataas pa ang pagtingin ko sa nagimbento ng escalator kesa sa gumawa ng PSP at iPhone at talagang to the highest level ang paggalang at pasasalamat ko sa kanya.

Hindi naman sa dahil bano ako tulad ng mga first time na nakasakay ng escalator. Like an oasis in a desert. Like a child to her mother. Like a streetchild to his rugby.  Like Juday to Wowee. Talagang pinapaginhawa lang ng mga escalator ang buhay ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ko sa sarili ko o maaawa, pero sasabihin ko na sa inyo dahil kailangang sabihin.. para hindi mabakante ang blog ko.

O eto na!

Nadevelop ang takot ko sa mga matataas na stairs mula nung minsang papanhik ako at na out-of-balance ako at muntikan na kong bumaliktad. Pinawisan talaga ko ng malamig, nagpalpitate ang dibdib ko, at halos matae na ko sa kaba. Akala ko masisilayan ko na si San Pedro. Pero dahil isa ko sa masasamang damo e nakakapit ako sa railing. Phew!

Pagtapos ng insidenteng yon, tuloy tuloy na. Mas pipiliin ko pa ang i-embrace si Sadako sa pagtulog, o harapin ang sanib pwersa nina Chaka Doll at Tsokoleyt kaysa sa papanhikin mo ko sa nagtataasang mga hagdan sa mall, overpass, at LRT.

Nung minsang kasama ko ang gelpren ko sa mall ay papanhik kami ng 2nd floor. Malayo ang escalator at kaharap na namin ang hagdan. Ang pinakamasama pa dito e may open space sa bawat step, so kita mo talaga yung ilalim pag mataas ka na. Sige! Laban! Mayabang ako e. Pagdating sa gitnang baitang e nangangatog na ang tuhod ko at nahihilo na ko. "Tingin ka sa taas para wag ka malula" sabi ng gelpren ko, pero lalo ako nahilo nang ginawa ko yun at hayun na! Natisod at napaluhod na ko! Syet! Dami pa namang tao nun. Nakakahiya! I'm so jologs. Kaya kahit umuulan, kahit gaano pa kabasa, kaputik, o kadumi ang railing ng hagdan e kakapitan ko talaga yun.

1462524510_28faebcf48_2

Pero wag ka. Pag pababa ng stairs e mayabang naman ako at di ako takot tulad ng sa normal na tao. Ewan ko basta pag pataas lang talaga. Lab na lab ko ang LRT2 at D. Jose station sa LRT at hate na hate ko na ang iba dahil wala silang escalator. Mas pipiliin ko pa ang mag-jaywalking kesa mag-overpass.

Nakakabwisit talaga. Di ko alam kung bawas na ba pagkalalaki ko o ano (labyu pre). Nahihiya lang talaga ako kasi ansama naman ng pagkamatay ko kung sa ganung bagay lang ako madededo. Ano na lang ang sasabihin nila sa lamay ko.. "Ows talaga? Namatay dahil na out-of-balance lang sa hagdan? Ay tanga." << ulul mo.

Malamang sa mga makakapagbasa nito (kung meron pa!) sasabihin mo siguro, "Face your fear, pare!" Lahat na lang yun ang sinasabi saken. Pwes eto sasabihin ko sa'yo:

Che! Magisa ka!

Sa escalator na lang ako bro.

(Labyu.)

Mr. Procrastination

Huwaww!!

I'm back! Pitong buwan rin ako di nakapag-update ng blog na to (kahit ako lang naman ang nagbabasa). At dahil katatapos lang ng aming madugong semi-final exam e sa tingin ko eto ang tamang panahon para naman makapagrelax at magpost ng panibagong entry dito. "To counter stress" ika nga.

Medyo nakahinga na rin ako ng maluwag lately dahil tapos na nga ang exams at tapos na rin ang aming thesis. Kahit alam kong bagsak bagsak ang tests ko, kahit papaano e makakapagrelax na rin ako dahil nabawasan na rin sa wakas ng kaunti ang stress sa ulo ko. Great relief.

Opo. Bagsak bagsak nga my friend. Di ko ba alam kung bakit magmula ng Grade 4 ako hanggang umabot ako ng 4th year college e parang ngayon lang ulit ako nag-aral ng lessons ko. Mula kindergarten hanggang Grade 3 kasi ay nirereview ako lagi ni mamoo sa mga lessons ko.=p  Mister Juan Tamad kumbaga. Pero luma na yon. Mr. Procrastination ang gusto ko, sossy eh! Charing.

Mañana habit ang katumbas sa atin nito. Ito yung tipong:
"Ok class. Very very long test tomorrow 200 items!"
~Ok!
(Uuwi. Kakain. Magfe-friendster. Magge-games. Manonood ng ****.)
~Ok! it's 9pm! Time to open my book!
(Open my book. Antok antok. Close my book)
~Promise gigising ako ng 1am para mag-aral!

Hindi ka nga naman makakaaral pag inaantok ka.
1am:
*TITITITEEEET! TITITITEEET! TITITITEEET!*
~Uhrrrmmmm... zZNGORK! (snooze)

1:30am
*TITITITEEEET! TITITITEEET! TITITITEEET!*
~Uhrrrmmmm... zZZzz... mimimimyiwww...(snooze)

3:30am
*TITITITEEEET! TITITITEEET! TITITITEEET!*
~Uhrrrmmmm... urhhm.. dianahh.... diana zubiriiii....(snooze)

5:00am
*TITITITEEEET! TITITITEEET! TITITITEEET!*
~Uhrrrmmmm... (snooze) TETUT! TETUT! (<--naglalako na si pandesal boy)

7:30am
*TITITITEEEET! TITITITEEET! TITITITEEET!*
~Uhrrrmmmm... WTF!! 8am klase ko male-late na kowww!!

Yan po ang sinasabi ko. Umabot ako ng college na ganyan. Ang madalas kong study period ay ang pagdating ko sa school ng 10 minutes early, ang recess, at ang lunch break. Himala at umabot ako ng college ng ganito. Pero ngayon magbabagong buhay na ko! PROMISE MAG-AARAL NA KO NG MABUTI! ^^,

(WTF I heard that for the nth time!)

Pa-Blow *** Ka Naman Dyan!

Happy birthday to me!!

January 17, 2007 ngayon. Kahapon ay 21 years old pa lang ako. Ngayon ay 22 na. Next year 23 na. Kuya John ang tawag sa'kin ng mga kaklase ko kahit pareho lang kaming 22 o minsan mas gurang pa siya. Mature daw kasi ang dating ko. O di ba astig. Hindi naman pala ako gurang. Mature lang.

Natutuwa talaga ako. Naaalala ko lang kasi nung bata pa tayo at nagmamadali na kong makapagshave at makapagdrive ng sasakyan at makapagaral sa college at makapagtrabaho na. Pero bakit ngayong 22 na ko naiisip ko pa na sana naglalaro na lang ulit ako ng Lego, nanonood lang ng TV hangga't gusto ko, matutulog kung kelan ko gusto, tatae kung kelan ko gusto. Ngayon, binabaha na ko ng reports, paperworks, at case studies. Parang kelan lang noh? Ambilis nga naman ng panahon. Life is short ika nga nila.

O nga pala. Magboblow out nga pala ako sa mga friends ko mamayang gabi. Medyo wala nga pala akong budget ngayon pero sa lahat ng makakapagbasa nito ay may manlilibre na lang ako sa Jollibee para maaccomodate ng wallet ko ang dami ninyo. Sagot niyo na lang ang pamasahe papunta sa salu-salo ko, ako na bahala sa pagkain niyo. Punta na lang kayo mamayang 8 PM sa Jollibee, Hong Kong branch po. Wear your sky blue shirts ha? Kita kita tayo doon!

So ang birthday wish ko ngayon e sana wag kang tamarin na bigyan ako ng comment. Salamat sa comment ha!

Yung gusto nga palang magbigay ng gift e pakiconvert na lang sa load. ^^

Fear Factor(Pinoy Edition)

ASTIG ANG PINOY!

Kung ang street food sa ibang bansa ay hotdogs, burgers, dimsum, at fries, ibahin mo ang dito sa Pilipinas. Usong-uso ang mga fishballs, kwek-kwek, kikiam, etc. lalo na sa mga taong nasa middle to lower class ng populasyon. Mas maganda siguro kung gagawin natin yang, "Astig ang sikmura ng pinoy." Hindi ko rin alam bakit patok na patok sa mga Pinoy ang ganito. Ako mismo na nursing student ay parokyano ng ganitong pagkain. Kahit alam ko pa kung anu-anong bacteria ang makukuha ko rito, nakakalimutan ko sila lahat pagdampot ko sa magical barbecue stick that will someday make me sick(rhyme!).

Ikaw? Sa palagay mo? Saan ba kinukuha ng street food ang kanyang irresistibility?

  1. Sa magical barbecue stick which you make tusok-tusok onto the fishball?
  2. Sa orange food coloring na hindi mo alam bakit hindi na lang naging blue? Or yellow?
  3. Sa sukang manilaw-nilaw na at may paswimming-swimming na langaw?
  4. Dahil ito ay murang pantawid gutom kasabay ng pagtitipid para lang may maipang-Ragnarok ka?

Bilang isang nursing student, isa sa mga pangunahing tungkulin namin para sa aming komunidad ay ang health promotion o ang turuan kayo ng mga paraan para makaiwas sa sakit at magkaroon ng better lifestyle. Pero sa pagkakataon na 'to ay kalimutan muna natin yun dahil ipapakilala ko sa inyo (sa mga hindi nakakaalam) ang iba't-ibang masasarap na street food na pwede ninyong makita sa inyong mga kalsadahan.

Fishball, Squidball - Ito yung mga puting bilog which you make tusok-tusok onto. Pag marami-raming tao e pwede kang magpasobra ng sa bilang mo para makalibre ka. Well, konsensya mo na lang yun pag nagtaka ang tindero bakit hindi siya yumayaman sa pagpipisbol. Fishballs sold for 50c. Squidballs for P2.00.

Kwek-kwek - or quail eggs kung soshal ka. Itlog na binalutan pa ng itlog(battered). Sa sobrang pagiging itlog niya e bente anyos ka pa lang bumabara na ng cholesterol ang ugat ugat mo. Sold for P5-7/stick.

Kikiam - hindi lang sa Chowking meron nito. Sa kalsada rin! Ranges from P1-2.

One Day Old - mga orange na itlog na katakyut-takyut. One day old ang tawag sa kanila pero pag nalasahan mo parang one week old nang nilalako. P5.00.

Laman-loob ng Baka ON A STICK - sosyal ka dahil galing ito sa beef. Pero wala talagang beef dahil puro taba at laman-loob lang ito. P2-3.

At ang kinatatakutan ng lahat!

One Day Old Chick a.k.a. HALIMAW - Fried sisiw in an orange coloring. Crispy. Pinakamalutong pagkagat mo sa bungo nung sisiw KRRRRKKKK!!! Ummm.. sarap!!

At dahil nandito na rin ako ay magpapakanurse na rin ako.

Hazards of street-food eating:

  • Alalahanin na ang iba sa mga street food ay hinahayaang nakatiwangwang lang sa kalsada at sari-saring pollution at microorganisms na ang nasagap nito.
  • May posibilidad na makakuha ka ng E.coli sa fishballs, kikiam, squidballs dahil processed ang mga ito.
  • Halos lahat sa mga microorganisms sa mga to ay namamatay rin sa mainit na mantika. Pero wala ka pa ring katakas sa magical sauce nila.
  • Nakasisiguro akong milyun-milyong microorganisms na ang nasa mga sauce nila dahil iba't ibang tao na ang "sumawsaw" dito. Kaya mas magandang magfishball sa umaga kaysa sa gabi dahil ikaw ang bwena-manong sasawsaw. =)
  • Ang iba sa mga tindero ay walang alam sa food sanitation and proper handling.

Kaya sa susunod na magsistreet-food ka, lagi mong tandaan. EAT AT YOUR OWN RISK. Behhh!

Nursing is a Profession

Naaalala niyo pa ba nung mga mumunting bulinggit pa lang tayo at nasa family reunion ka at tatanungin ka ng tito mo, "Anong gusto mong maging paglaki mo?" Aware na tayo sa ating gender-role identity. Kung lalake ka malamang gusto mong maging pilot, doktor, manager, engineer, bus driver, security guard, balut vendor, kahit ano basta yung mga tigasin na career. Kung babae ka naman, ang isasagot mo marahil ay maging teacher, flight attendant, n housewife lang, at pwede ring maging isang nurse. Kahit kelan ay hindi ko pinangarap maging isang nurse. Girl na girl di ba? Buti na lang at hindi nila inaprubahan yung gagawin nilang requirement na pati lalake ay magsusuot ng nurse cap. How cute!

Kapag kasama ko ang mga high school friends ko, madalas silang magpasiklaban. Halos di na ko makarelate sa mga sinasabi nila. Nananadya yatang gawing technical ang usapan. Bakit kaya niyo bang kumuha ng BP na kamay lang ang gamit? Kaya niyo bang kumuha ng body temperature ng walang thermometer at daliri lang ang isusubo sa bibig ng pasyente? BWAHAHAHAHA! Di ko rin kaya yun eh.

Pero kahit napilitan ka lang mag-nursing dahil ito ang trend ngayon, sa katagalan ay malalaman mong enjoy rin pala to. Alam niyo ba kung bakit? Eto ang mga advantages ng pagiging isang student nurse.

ADVANTAGES

  • Iba talaga ang dating ng naka-all white. Kahit gaano kaitim ang budhi mo, matatakluban ito ng puting uniporme mo.
  • Alagang alaga kayo ng college/university niyo higit sa ibang estudyante nila dahil nursing students ang majority ng student population nila. Siyempre dahil ang bulk ay sa college of nursing nanggagaling. Wahehehe.
  • Naniniwala ang mga nursing students sa kasabihan na, "The more, the merrier". United ang mga nursing students. Nais nilang higitan ang dami ng mga tao sa China.
  • Sa nursing ka lang makakakita ng sangkaterbang chicks. Kung lalake ka at sexually preocuppied ka (SPO), bawing bawi ka talaga sa nursing schools.
  • Enjoy ang mga topics na dinidiscuss sa klase. Magpakasawa ka sa iba't ibang larawan ng mga ~~tooooooot~~ ng mga lalaki at babae.
  • Bigang sisigla ang sex life mo(kung meron man) dahil mai-aapply mo ang mga natutunan mo sa school. Kulang na lang ay ang Indian Kama Sutra.
  • Pag bumabagsak ka na sa mga exams mo at hirap na hirap ka ng intindihin ang topics, maaari mong isipin ang inspirasyon ninyong mga nurses at bigla mong maiintindihan ang topic na kanina lang ay 'di mo makuha-kuha (hmmm... dollars!).
  • Kahit anong course mo pa ay mataas ang chance na magshishift ka. Malakas talaga ang magnetic attraction ng nursing. Iba talaga ang tuksong dala ng dolyar.
  • Parang hindi lang basta basta degree course ang nursing. Dapat gawin nila itong Masteral dahil ang mga doktor na halos sampung taon nagsiaral ay kumukuha rin ng nursing sa huli. Mas nababagay yata maging Doctorate degree pa ito.
  • At dahil Doctorate degree nga ito ay kami naman ang mag-uutos sa mga doktor. (Doc, ipainom mo sa pasyente itong irereseta ko ha?)
  • Graduate school na graduate school talaga ang labas n nursing dahil hindi lang mga doktor ang kumukuha nito. Pati mga senior citizens ay kumukuha na rin.
  • Ang nursing students na second coursers (o mga senior citizens nga) ang pinakamaswerte sa lahat. Isipin mong pagsakay nila sa jeep, imbis na seven pesos(P7.00) ay dalawang piso(P2.00) na lang ang ibabayad nila. May student's discount ka na, may senior citizen's discount ka pa. San ka pa!
  • Magiging favorite child ka ng mga magulang mo dahil tinupad mo ang gusto nila. ^^

Pero meron ring disadvantages ang pagiging isang student nurse...

DISADVANTAGES

  • Pag may sakit ka ay wala ng magbe-baby sa'yo. Dahil nurse ka, obligado kang alagaan ang sarili mo.
  • Bababa ang iyong libido pagka-duty mo sa delivery room.
  • Ang panghi ng wiwi at bango ng pabango mo ay parang wala nang pinagkaiba dahil desensitized na ang ilong mo sa mga yan.
  • Kailangan mo pang gawan ng full scan ang bawat uupuan mo. Kung hindi, magmumukhang basahan ang puwitan mo.
  • Ang mga sablay sa inggles ay dadaan sa butas ng karayom. Ang greatest fear nila ay ang International English Language Testing System (IELTS) exam. Ngayon alam ko na bakit nagboksing na lang si Pacquiao.
  • At dahil nga mataas na ang supply ng nursing students ay unti-unting tumataas ang quota para makapasa sa mga local at foreign state board exams nito. Malas talaga ng mga 3rd, 4th, 5th, 6th, at mga nth timers sa pagkuha ng board exam.
  • Malas mo kung walang green card holder sa pamilya o sa boyfriend/girlfriend niyo.
  • Kung di mo matatawid ang butas ng karayom, sorry ka at maghirap ka sa mga ospital dito sa Pilipinas na ubod ng kaybabang magpasweldo. Natawa na lang ako sa napanood ko kaninang umaga sa Magandang Umaga, Pilipinas na P14,000/month ang sweldo ng security guard na guest nila. Ang starting lang ng nurses dito ay P6,000 at ang regular ay P8,000. Wahahaha! Kakaloka ever!

O di ba astig? Tara na! Shift na!

Wish ko lang hindi ito mabasa ni Dean. =p

Pasko! Paksiw! Pasko!

(Makapag-update na nga lang muna habang hinihintay ang 315MB patch ng PangYa. 9% na. Leche.)

Ho! Ho! Ho! Feel na feel mo na ba ang Christmas, kapatid?

Ako feel na feel ko na! Uso na naman ang jacket dahil malamig na ang hangin sa balat. Nandyan na ang pabonggahan ng Christmas lights ng magkakapitbahay. Nandyan na ang mga nangangaroling na binging-bingi na sa "Patawad po!". Naglabasan na ang mga corny na novelty christmas songs ng mga sexbomb at nung kumanta ng boom-tarat-tarat-ding-dong-ding-dong. Christmas shopping na ulit with matching traffic. Problema na naman sa mga inaanak at sa mga monito at monita. Naglabasan na ang Christmas decorations sa kalye na may nakacaption na "Donated by: Mayor ******". Aba! Paskong pasko na nga!

Masarap isipin na once in a while, for a few weeks in a year, ay nakakapagrelax tayo ng ganito, nakakapag-enjoy, at nakakaluwag sa araw-araw dala ng stress sa school o sa trabaho. Take a break kumbaga. Masarap i-enjoy at ibahagi ang JOY na dala ng kapaskuhan. Pero paalala lang mga kaibigan. Tulad ng madalas banggitin sa atin sa homily ng pari, huwag sana tayong masilaw sa mga palamuti ng Christmas Season. Huwag nating hayaang matabunan ang tunay na kahulugan ng pasko. Remember, Christ was born on Christ-mas day.

Kaya share the love! Share the blessings! Share the aguinaldo! Ipasok ang inyong mga donasyon sa aking savings account# 0919-14344-1234-5678! Maraming maraming salamat po!

MERRY MERRY CHRISTMAS TO YOU!!

(19% na. ^^)

The X-Men

"Seryoso ang post kong ito. 'Wag niyo itong ite-take for granted."

Mag-ingat ka sa mga taong nakakasalamuha mo. Sa araw-araw na routine ng buhay mo, maraming tao ang iyong nakakausap, kasama mong lumalabas ng bahay, nakakasama mo sa school o sa trabaho. Pero ang ilan sa kanila'y hindi pangkaraniwan. Habang tumatagal ang panahon na nakikilala mo sila, unti-unting lumalabas ang tunay nilang katauhan. Sila pala ay may special powers. Maaaring isa ka rin sa kanila.

Hindi sila mga super heroes, kundi sila ang mga kontrabida. Lahat na ng paraan para sila ay matugis ay nasubukan na, pero sila ay naglilipana pa rin. Ang iba sa kanila'y 'di mo agad matutukoy. Ang iba sa kanila'y mukhang hayop, pero tao talaga sila.

Ang mga taong ito ay nabigyan ng special gifts. Mag-ingat sa kanilang special powers.

THE FIRE DRAGON

Alias: Bad breath, Dragon, Bulok-bagang

Abilities: Matindi ang kapangyarihan ng Fire Dragon. Lahat ng nakakausap nila ay nakakaramdam ng matinding pagkahilo. Ang iba sa kanila ay namamatay.

Papano maging tulad nila: Kumain ng madaming kanin at pagtapos hayaan ang mga naiwang butil-butil sa gilid-giliran ng mga ngipin. Effective rin ang pagkain ng mais at hayaang sumabit sabit ang mga tinga sa gitna-gitna ng ngipin. Hayaang ganito at iwanan ng dalawang linggo. Hilahin isa isa ang mga tinga at idispose. Maaari ring lunukin dahil carbohydrates pa rin naman ito.

Special Attack: Mayroon silang long range attack na tinatawag nilang "HAPPY BIRTHDAY TO YOU" at madalas nilang gamitin kapag magbo-blow ng kandila. Pero ang pinaka-deadly sa kanilang mga attack ay ang FK o ang tinatawag nilang french kiss.

Weaknesses: Astring-O-Sol, Colgate, Pepsodent

BEAST

Alias: Bigotilyo, Bulbu*an

Abilities: Sila ay ang mga kababaihang ipinaglihi sa sisiw ng balot. Ang kanilang mga braso at binti ay pawang abandonadong damuhan. Idol nila ang bigote ni Mr. Suave kaya pilit nila itong ginagaya. Ang iba sa kanila'y naka dreadlocks pa ang mga buhok sa kilikili. Luging lugi ang parlorista sa mga taong ito kapag sila'y nagpapa-highlights, nagpapa-rebond, o nagpapa-relax. Hindi epektibo ang bikini wax kaya't sumisilip pa rin sa kanilang thongs ang buhok sa singit nila. Wala talaga silang special abilities bukod sa manakot.

Paano maging tulad nila: Ipanligo ang hair grower ng tatay mong kalbo.

Special Attack: Werewolf Cry

Weaknesses: Schick, Gillette

JEAN GREY

Alias: Chick, Sexy, Babe

Abilities: Silang lahat ay babae ang kasarian. Mayroon silang Telekinesis o ang kapangyarihang magpagalaw ng mga bagay kahit hindi nila ito hinahawakan. Ang kadalasang pinapagalaw nila ay mga b****toy.

Paano maging tulad nila: Wag ka ng umasa.

Special Attack: Super Yuko, Bilak-Sit, Open Sesame

Weaknesses: Para 'di mabiktima sa kanila, sumigaw ng "Bakla ako!"

MAGNETO

Alias: Tok-pu

Abilities: Isa ito sa mga pinakamakapangyarihan na nilalang sa balat ng mundong ibabaw. Ayon sa Law of Magneticism, "Opposite poles attract, like poles repel". Repelling force ang kanilang ginagamit. Tuwing naglalakad sila, lumalayo ang mga tao dahil sa matinding repelling force nito. Ngunit hindi magnetic force ang kanyang ginagamit kundi ang kinakakatakutang Tok-Pu force. Lumayo ka sa pwersang ito dahil 'pag naexpose ka sa Tok-Pu force ng humigit kumulang na dalawang minuto ay unti-unti kang mangingisay at magbabara ang iyong kalamnan, maninikip ang iyong dibdib, at mamamaga ang iyong ilong at bibig. May sabi-sabing ito ang sikreto ni Hitler sa likod ng kanilang gas chambers.

Paano maging tulad nila: I-adopt ang kanilang paniniwalang, "Bawal maligo kapag hindi full moon".

Special Attack: First Day High, Ma'am Ako Po!, Put Your Hands In The Air, Elevator Kill, Bus Kill, LRT Kill

Weaknesses: Rexona, Axe, Tawas

Ilan pa lamang yan sa mga special people sa ating paligid. Alam ko kung ano ang nasa isip mo.

Oo na ako na si Cyclops oo na sige na ako na Cyclops na ko oo na sige na ako na si Cyclops....

Bittersweet

~ Proud ako!

~ Proud ako dahil may girlfriend ako.

~ Proud ako dahil may girlfriend ako at hindi ko siya kasama.

~ Yea, that's right. Hindi ko nga siya kasama.

Oo, kapatid. Long distance relationship nga. Sadyang matamis nga naman ang pag-ibig. Pero sa mga sitwasyon na katulad ng sa amin, magkahalong saya at bigat sa dibdib ang 'yong dadanasin.

Masakit isipin na sa simula't simula pa lamang ng aming pagiging mag-boyfriend/girlfriend ay hiwalay na kami. Unang araw pa lang pagtapos ng aming first "I love you", magkalayo na kami.

Naaalala ko pa noong unang dalawang taon namin, halos hindi kami nakakapagkita o nakakapagusap man lang. Isang beses sa isa o dalawang buwan lang kami nakakapagkita. Ang tanging communication namin noon ay tig-P30 a day na load namin na uubusin namin sa loob ng dalawang oras. P30/day(bawat isa sa'min) lang ang kaya naming i-load dahil studyante lang kami. P30 = 30 texts = consumed within 2hrs. Bukod pa dun, wala na. Pero ngayon ay maswerte na kami dahil available na ang unlimited calls courtesy of Sun Cellular. Kahit mahina ang signal, siyempre okey lang. Kahit mahirap tumawag, siyempre okey lang. Kahit baduy, siyempre okey lang. Lahat ng bagay gagawin mo siyempre para marinig ang tinig na pinakaaasam-asam mo(hayup naman!).

Nagtataka siguro ang marami kung bakit ko ginusto na pasukin ang ganitong klase ng relasyon. Sasabihin ko sa inyo, hindi ko ginusto ang ganito. "Kung nakakita ka ng dyamanteng kumikinang-kinang sa lupa, hindi mo ba ito pupulutin?" (Whoa! Wattananalogy!). Pinulot ko lang ang pagkakataon na alam kong hindi na kailanman darating.

Halos mag-aapat na taon na kami. Sa once a month naming pagkikita, masayang masaya kami sa iisang araw na 'yon na nagkakasama kami. Pero lahat nga daw ng saya ay panandalian. Lahat ng excitement ay may katapusan. Maaalala mo na lang ang katotohanan na magkalayo na naman kayo pagtapos ng araw.

Madalas tanungin sa'kin, "John, papano kayo nagtagal ng ganyan katagal kahit long distance kayo?" Hindi ko rin alam eh. Hindi ko alam ang equation ng isang successful na long distance relationship. Pero meron akong mababanggit na iilang good points na nakakikita kong strengths ng aming pagsasama. Sa pagkakataong ito, maaari niyo 'kong tawagin sa ngalang Jowdie Mango.

Una, be childlike yet mature. Ika nga nila, too much of something is not helpful. Hindi makakatulong ang araw-araw ninyong pagtatampuhan at pagtatalo. Ang madalas na tampuhan ay walang maitutulong sa inyong relationship at maaaring dahilan ng 'di pagkakaunawaan, pagiging KSP, or simply immature love.

Ikalawa, balansehin ang dopamine-oxytocin surge sa inyong mga sarili. Minsan, ang pagiging obsessed ay maituturing nating isang illness. Ibig sabihin, kahit na nakaugnay ka na sa isang tao, hindi mo dapat malimutan na nabubuhay ka pa rin sa totoong mundo. Do not let yourself get carried away. Kailangang ikaw pa rin ang may kontrol sa sarili mo at hindi ang obsessive behavior mo. At 'wag mong kakalimutan ang mga responsibilidad mo, lalo na ang 'yong pag-aaral kung ikaw ay studyante.

At dahil nga balanse dapat, kailangang panatilihin ninyo ang spark sa inyong pagsasama. Ang pag-release ng dopamine ay puwede mong makuha sa mga vigorous o exciting na activities kasama ang iyong partner tulad ng pagjo-jogging, pagsakay ng rides sa karnibal, pagsu-swimming, etc.

Ikatlo, GIVE & TAKE. Ang paguunawaan at pagbibigayan ay isa sa mga key elements ng isang magandang relationship. Dito madedevelop ang intimacy & companionship na sangkap ng true love.

At higit sa lahat, ang pinakaimportanteng sangkap ng magandang pagsasama ay honesty & open communication. Walang problemang hindi naisasaayos sa magandang usapan. Dahil kung poor ang inyong communication, ang simpleng misunderstandings ay hahantong sa mas malaki at sanga-sangang problema. At ang pagiging tapat sa iyong partner ang siyang magpapatibay ng tiwala ninyo sa isa't isa.

Para sa mga long distance na magnobyo o mag-asawa na nasa abroad pa ang kanilang partner, saludo ako sa inyo!

Sa mahal kong si Liz, 'wag kang mag-alala dahil kahit malayo pa rin tayo sa isa't-isa, hinding hindi ako mambababae. Kahit 'yung nurse na sumisimple ng 'stolen shot' sa'kin sa Dagupan ay hindi ko papatulan. Ikaw lang lagi ang nasa isip ko, aking irog. Salamat pala sa binili mong Apricot Scrub para sa'kin. Na-try ko na kanina at ang sarap sa mukha. Nafifeel ko ang microbeads na tinatanggal ang dead skin at libag-libag sa aking face. I-try niyo rin & see the difference!

Dorm~SWEET~Dorm

Kumuha ka na ng popcorn at unan dahil mahaba-haba itong post na 'to. Uumayin kita ng ka-cornyhan.

Isa sa mga pinaka-exciting sa college life ko ay ang pagtira sa isang apartment o sa dormitoryo. Mula isuka ka sa mundong ibabaw ay sa bahay ka na dinala hanggang tumanda ka na't tubuan ng buhok ang iyong kili-kili nasa bahay ka pa rin. Kung sawang sawa at bagot na bagot ka na sa buhay mo, mainam siguro na i-try mo ang kabilang buhay. Joking aside, mag-eenjoy ka talaga pag sinubukan mong tumira sa dorm na malayo sa mga magulang mo.

Dalawang taon akong nanirahan sa apartment sa Sampaloc, Manila sa unang dalawang taon ng aking college kasama ang apat ko pang high school friends. Isang buwan rin akong nanirahan sa Dagupan City para sa affiliation namin kasama ang 27 kong kaklase. Tatlo sa kanila ay aking room mates. Sa tinagal tagal kong nagdodorm, sari-saring hirap, kalokohan, at katarantaduhan ang aking naexperience. Isa ito sa mga most unforgettable and happiest part ng college life. Kaya para sa'kin, masasabi kong hindi makukumpleto ang college experience mo kung hindi ka nakapagdorm. Sa dorm/apartment, iba't ibang tao ang makakasama mo. Nariyan ang mga tunay na kaibigan, ang mga kaibigan, ang mga not-so-close kaibigan, ang mga bading at mapag-chancing na kaibigan, at ang mga buwisit-sa-buhay-mo na mga kaibigan. Sa mga 4th year high school students diyan at balak pumasok sa mga dormitoryo sa kolehiyo, ish-share ko sa inyo ang ilang mga tips at experiences ko para hindi kayo maloloko, malalamangan, at mauuto, kundi para KAYO ang manloloko, manlalamang, at mang-uuto. Marami rin akong tips and tricks tungkol sa pagbubudget ng pera, sa pag-rereview ng lessons, atbp. Sa pagkakataong ito, bibigyan ko ang mga nagdodorm ng katawagang DORMSTERS. Read on!

  • Wag mapapasubo sa bisyong billiards, alak, o computer games. Kakainin nito at uubusin ang pera mo na parang buwaya at iiwan kang luhaan.
  • Kung ang baon mo ay pang isang linggo, lunes at martes ay mayaman ka. Miyerkules ay nagtitipid ka na. Huwebes ay ummutang ka na. Biyernes ay pamasahe pauwi na lamang ang pera mo.

'PAG UBOS NA ANG BAON NA PERA:

  • Mahirap i-budget ang baong nakalaan para sa isang linggo. Lalo na pag nagtitipid ka o may pinag-iipunan ka. Mainam na bago umalis ng bahay(provincial) ay magbaon ka ng sangkatutak na groceries.
  • Sosyal ang mga dormster. Hindi sila kumakain ng kanin. Ang staple food nila ay noodles. Nissin Cup Noodles.
  • Pero 'pag mag may stove, etc., ang pinakatipid na kainin ay pancit canton. Lucky Me Pancit Canton (Chilimansi Flavor).
  • Pag wala ka ng pera, magnoodles ka.
  • Pag wala kang noodles, magkape ka na lang.
  • Pag wala kang kape, magdelihensya ng noodles o kape sa kabilang room.
  • Mas okay kung kukupit ka ng noodles/kape sa drawer ng room mate mo. Siguraduhin mo lang na hindi niya bilang 'yung mga 'yun.
  • Ang noodles at kape ay walang sapat na sustansya para sa studyanteng tulad mo. Ampaw. Wala nang laman ang tyan mo, pati utak mo puro hangin na lang. Utak-ampaw.
  • Upang maiwasan ang kabobohan dala ng 'di sapat na nutrisyon, dagdagan mo ng brain food ang diet mo pero 'yung mura lang para tipid ka pa rin. Sahugan mo ng nilagang mani ang noodles mo at timplahan mo ng Sugo roasted peanuts ang kape mo. Mura na, nutritious pa.
  • Libre ang tubig. Gawin itong pampalipas gutom.
  • Mag-isip ng racket na maaari kang magkapera. Gamitin ang iyong critical thinking.Tandaan na ang mga nagdodorm ay walang dalang can opener. Magdala ng can opener at singilin mo sila ng tig-tatlong piso sa bawat latang ipabubukas sa'yo.
  • Dito ko natutunan na may business palang hindi na kailangang kuhaan ng permit. Ang Sari-Sari Dorm.
  • Maaaring magpaskil ng advertisement sa pintuan para mabasa ng lahat: Plantsa: 3 pairs for P50, Laba Underwear: P5 per piece, Pa-text: P5 per message, Pa-call (Sun to Sun only): P3 for every 10 mins., Pathophysiology: P30 per case+15 min. free discussion, Bukas de Lata: P3 per can.
  • Maaari rin kayong mag-massage service sa rate na P300/hour. Kikita ka rito lalo na 'pag guwapo ka at matipuno ang iyong pangangatawan.

PAGDATING SA PAG-AARAL

  • Matulog ng maaga. Ipagpabukas na lamang ang chika-chika.
  • Pwede ring 'wag matulog ng maaga. Kung magpupuyat ka sa pag-aaral mabuti na ang may stock ka ng kape sa drawer mo.
  • Kung matutulog ka muna bago mag-review, iwasan ang pagtawad sa alarm clock ng "last 5 minutes" o kaya'y "last 30 minutes na lang talaga, promise!"
  • Tandaan na ang kape at yosi enhances mental performance. ENHANCES MENTAL PERFORMANCE. Ngayon may dahilan ka na para mag-yosi.
  • 'Wag maniwala sa 1 bottle of beer relaxes the mind & improves memory. Dahilan lang yan ng ibang studyante para maka-toma. Aantukin ka lang dyan.
  • Effective rin ang group study. Pero bago pumunta sa bahay ng klasmeyt, manumpa sa isa't-isa na walang magkukuwentuhan tungkol sa lovelife, walang magdadala ng beer, walang manonood ng DVD, at walang magbabasa ng FHM.
  • Maganda ang pagfoformulate ng mga mnemonics 'pag enumeration o yung pagkuha ng first letters ng mga salitang imememorize mo. Pagdating sa skul, agad mo itong iukit sa desk mo.

'PAG KAAWAY MO ANG DORM-MATE MO
(Warning: Gross content. Paumanhin sa mga kumakain.)

  • Dahil nagkakasama-sama kayo sa isang kwarto, nagkakaalaman kayo ng mga baho, lalo na ang mga OA sa tamad na hihintayin pang amagin ang pinagkainan sa kitchen sink bago ito linisin. 'Pag may nakaaway ka sa kanila, unahan mo na bago ka maunahan.
  • Kunin ang toothbrush ng kaaway at dahan-dahan mong ibabad sa toilet. Kung malalim ang galit mo pwede rin sa toilet na nawiwian mo ito ibabad. Kung malalim na malalim talaga ang galit mo pwede mo rin itong ikaskas at ipanlinis sa toilet niyo (slightly lang ha para 'di manilaw 'yung bristles). Ibalik ang toothbrush sa dating posisyon para 'di mapaghalataan.
  • Lagyan mo ang kanyang C2 Green Tea na nasa ref ng isang kutsaritang w*wi.
  • Magtext ng death threat gamit ang unknown number(buwahahahaa!!)
  • Manghuli ng maliliiit na daga o ipis at ikandado ito sa aparador ng damit ng kaaway mo. Butas ang jockey mo! Wahahaha!

(Ang mga nabanggit ay based from experience.)

OBSERVING PROPER HYGIENE ('PAG GIPIT)

  • Ang pagkaskas ng deodorant sa kilikili ay pwedeng every other day. Pero kung wala kang deodorant, hiramin ng patago ang deodorant ng ka-dorm.
  • Ang brief ay may side A at side B. Use them wisely.
  • After magamit ang side B ay wag nang babalik sa side A. Mahal ang Trosyd, kaibigan.
  • Ang medyas ay may side A at side B rin. Maaari kang bumalik sa side A kung mababa lang ang mileage na pinaggamitan mo no'n. May expiry date ito ng 1 week.
  • Panatilihing malinis at maputi ang uniform. Alalahanin mo, yan pa rin ang gagamitin mo bukas.
  • Iwasan magkamantsa ang uniform o malagyan ng kahit anong spots na maaari nilang gawing tanda para bukuhin na nag-uulit ka ng uniform.
  • Kung may pang-laundry ka naman sa baon mo (@ P20-30 per kilo), pwede mong i-skip ang mga nabanggit sa itaas. Pero kung wala, i-apply mo ang mga itinuro ko sa'yo at isipin mo na lang na naliligo ka naman araw-araw.

'PAG NAHOHOMESICK

  • Hindi ka dapat ma-homesick dahil once in a blue moon ka lang mabigyan ng ganitong opportunity. Enjoy your liberty! Gawin mo ang mga bagay na hindi mo nagagawa sa bahay!
  • Humiga buong araw habang nanonood ng TV. Walang mambabawal sa'yo! Maging miyembro ng KTT (Kain, Tulog, Tae).
  • Magpunta sa Internet Cafe at magkompyuter buong araw at magdamag kahit bukas ka pa umuwe... OKEY LANG!! (Ihanda ang tear gas para sa mga holdaper at rapist)
  • Makipagbarkada at maglakwatsa all day long! OKEY LANG!!
  • Kung lalake ka, MAMBABAE KA! Kung babae ka, MANLALAKE KA! OKEY LANG!!!
  • Patulugin ang boyfriend/girlfriend sa apartment.. OKEY LANG!!
  • Lahat, OKEY LANG!!! BUUWAHAHAHAHAAA!!

ANO? HOMESICK KA PA?!
(Wala akong ginawa kahit isa sa mga nabanggit sa itaas kaya 'wag na 'wag niyo akong isusumbong sa Mommy ko, ok??)

Yan ang tipid tips at iba't ibang tricks na maaari niyong i-apply, mga kakosang dormsters! I-enjoy niyo ang liberty ninyo basta 'wag lang papasobra ha? Basta lagi niyo lang tandaan na ang liberty is the statue of New York (weehhhh!!) See ya repapeeps!!

(Mas nababagay pa yatang maging ROTTEN.COM na lang ang title ng post na 'to)

Mahiwagang Pag-ibig

Alam kong minsan pumasok na rin sa isip mo na "Puro naman walang kwenta tong post ni John" o kaya'y "Ano ba yan! 'Di ako makarelate". Pwes, dito malamang makakarelate ka na. Bwisit ka.

Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang kwento ng first love, first boyfriend, first crush, first kiss, first holdinghands, first -tooot-, first hug, first LQ, etc. Ako naman ay may kuwentong first humiliation to my crush. Naaalala ko pa noong Grade 2 ako, seatmate ko pa noon ang longest-lasting crush ko. Ipinagmayabang ko sa kanya na kapag nangulangot ako, maya maya lang ay dudugo na ang ilong ko (epistaxis ang medical term nito). Umaga pa lang kasi ng araw na 'yon ay dalawang beses na kong nagnosebleed sa ganung paraan. At ganun na lang ang pagmamayabang ko no'n sa crush ko. Sinabi ko talaga 'yun ha. "Uy! Tignan mo 'to ha 'pag nangulangot ako dudugo itong ilong ko... PROMISE! Tignan mo man. O eto ha..." O 'di ba exotic. At yun, nagdial na nga ako ng 911-11-11 sa ilong ko. After a few moments, ayun na. Dumugo na nga. Nagpanic na ang mga kaklase ko. Nagpanic rin ang teacher ko at tinulungan ako mag wash-wash ng blood-blood sa aking nose-nose sabay tanong sa'kin, "Di ka ba naligo kanina?", "Male-late na kasi ako Ma'am eh..." Pagtapos n'on ay pinahiga ako sa mga table sa likuran para hindi na magpatuloy ang pagtulo ng dugo sa aking ilong (Waaaa anjologs ko huhuhu...). Bidang bida talaga ako nung araw na 'yun. "Dear Crush, kung nababasa mo man ito ngayon, isipin mo na lang na hindi ikaw ang kinukuwento ko dito." Napahiya man ako, at least hindi ko katulad yung ibang mga bata na kinakain yung kulangot nila. Ako tinapon ko naman (binilog muna siyempre).

Alam ko naman sa itsura mong yan na hindi ito ang hangad mong love story na pagusapan dito. Gusto mo ba ng love story ko? Ayaw ko ngang magkwento. Confidential. Joking aside, kwentuhan ko na lang kayo ng mga natutunan ko sa school tungkol sa L-O-V-E...

"Mamahalin kita habambuhay. Aabutin ang mga tala. Tatawirin ang sapa. Tatalunin ko ang 23rd floor at aakyatin ang Mt. Everest ng walang oxygen tank mahal ko...  Isusugal ko ang aking buhay, mapasa'kin ka lamang... Ipagtatanggol kita laban sa kampon ni Draco, aking irog..."

Mahiwagang pag-ibig nga naman oo. Hahamakin ang lahat maging akin ka lamang. Ngunit alam niyo ba kung bakit ganito na lamang kalakas ang ating loob basta ba minamahal na natin ang pinaguusapan? Alam niyo ba kung ano ang nagpapabilis ng tibok ng puso niyo at ang nagpapakilig at nagpapakilabot sa mga braso niyo? Ito ay dahil mataas ang level ng dopamine mo sa iyong katawan. Ito ay ang hormone na nagpapapuyat sa'yo sa kaiisip sa crush mo, ito ang nagpapalakas ng loob mo na magpropose sa kanya, ang nagbibigay sa'yo ng urge na makipaglabing-labing, etc. In short, passion and obsession.

Ngunit ang passion at obsession na ito ay hindi panghabambuhay. Ayon sa panulat ni Lauren Slater sa Feb '06 issue ng National Geographic, habang tumatagal, ang mataas na dopamine level ay ikapapagod na ng utak at magkakaroon ito ng tolerance. Isipin mo ang shabu addict na habang tumatagal ay padagdag ng padagdag ang hinihinging shabu ng katawan niya. Ganun din ang dopamine. Darating rin ang panahon na mai-immune ang utak natin dito at ito naman ay papalitan ng hormone na oxytocin.

Kung ang dopamine ay ang hormone ng passion and obsession, ang oxytocin naman ay hormone ng intimacy and companionship. 'Di tulad ng bibo at maalab na dopamine, ang oxytocin ang nagbibigay sa'yo ng pakiramdam na kumportable ka sa asawa mo o sa long-time jowa mo, 'di tulad noong mga batang sweet pa kayo at pa-twee-tums. Mataas ang oxytocin levels ng mga mag-asawa na ng mahabang panahon, ang mga nanay na nagpapadede ng anak (pareho silang naglalabas ng oxytocin nito), at ang pagbobonding ng magulang sa mga anak.

Kung susumahin:

  • dopamine - sa mga in-love (first love, puppy love, newlyweds, etc.)
  • oxytocin - sa mga may true love (long-term spouse, mga anak, alagang hayop, etc.)

Marami ang nagsasabi na ganyan lang pala tayong mga tao. Pawang mga robot. May mga hormones lang pala tayo na nagdidikta ng pag-ibig natin sa isang tao. Wala na 'yung magic. Pero kung iisipin mong mabuti, bakit ba iintindihin mo pa ang mga itinuturo sa school at sa sinasabi ng National Geographic tungkol sa kung papaano ang siyensiya ng love? Isipin mo na lang na kung nagsasaliksik man sila kung papaano naaapektuhan ng love ang utak, hindi nila kailanman maipapaliwanag sa atin kung papaano nito naaapektuhan ang puso ng bawat isa sa atin na nagmamahal. Para sa akin, may magic talaga.

So 'yon!

Sa mga hindi makarelate, sorry po at 'di na po mauulit. Sa mga kaklase ko sa nursing school, sana lumabas 'to sa board exam natin mga tsong!! (asa pa ko)

Kung love life ko naman ang tatanungin niyo, ikukuwento ko rin yan sa inyo next time.

SO LET'S ALL MAKE LOVE & NOT WAR!

Pacquiao Season

Pacquiao Season na naman! Sikat na sikat na naman si kapatid na Manny sa pagkaka-knockout sa kanyang karibal na si Eric Morales sa loob lamang ng tatlong round. Pagpunta roon, si Manny ang bukambibig. Pagpunta mo rito siya pa rin ang bukambibig. 'Di mo na sila maawat. Manny fever is on the rise. Tiyak na maglilipana na naman ang pagmumukha ng ating bida sa mga TV commercials, guestings, interviews, at endorsements. Tunay nga namang para sa bayan ang prisyo natu.

Tuwing Pacquiao Season hindi naman talaga boxing ang pinakausong laro sa mga Pacquiao Fanatics. Pustahan. Ito ang mas nagpapasabik at nagpapadagdag thrill sa bawat round ng inaabangang boxing match ni Manny. Kung si Pacquiao ay may secret technique and strategy sa pamboboxing, ibang strategy naman ang alam ng ating mga kababayang fans. Papanoorin ang Live Telecast na laban ng alas-dose ng tanghali, at pagtapos ay pupuntahan ang mga kakilalang tricycle drivers na nanonood lamang ng delayed telecast sa Channel 2 na alas-dos pa ng hapon maguumpisa. Sila, sabik na sabik pumusta sa kalaban samantalang ikaw mismo, alam na kung sino ang panalo. Sure win nga naman 'di ba. Kung nakauto ka, swerte mo. Pero kung nabuko ka, tumakbo ka na at 'wag mo ng hintaying magtransform ala-Manny ang kapustahan mong ginoyo mo.

Ang Pacquiao Season ay para ring FIESTA. Yun ay applicable lamang kung nakacable ka (via pay-per-view). I-ready mo na ang mga upuan at sa mga ipapakain mo sa mga kapitbahay mong makikinood lang daw sa Live Telecast ninyo.

Ang Pacquiao Season rin ay parang Semana Santa. Kahit matulog ka sa hi-way ay 'di ka mapapano dahil nagmistulang ghost town ang buong Pilipinas. Tahimik at nakakatakot sapagkat lahat ng tao ay nasa kanikanilang mga lungga at nakatutok sa kanilang mga TV.

Ang isa pang nakatutuwa sa Pacquiao Season ay ang mala-surround system na paghiyaw ng mga tao sa bawat maikno-knockdown ni Manny ang kalaban. HUUWOOOAAAHHH!!!!! Sigaw sa kanan. HUUWOOOAAAHHH!!!!! Sigaw sa kaliwa. Umaalingawngaw ang pagchicheer nila sa idolo. Kung naiirita ka rito ay itulog mo na lang dahil kahit saan ka tumakbo, centralized ang pag-HUUWOOOAAAHHH ng ating mga kababayan. Nakakapangilabot!

Bukod sa pagboboksing, pinasok na rin ni Manny ang entrepreneurship, ang recording industry (ikstrem! ikstrem! madsek seng!), ang pag-aartista, at bali-balita na rin na kinumpirma na ni Manny ang posibilidad na papasukin rin niya ang pulitika. Kung magiging Presidente man siya balang araw, may nailikha na ang ating mga kababayang blogger na bills if ever mang maging presidente siya ng bansa.

View this photo

Sa kumpare ko nga palang si Manny. Congrats ulit chong! Nareceive mo ba yung text ko kanina? Kelan ka babalik ng 'pinas? 'Yun palang pangtuition ng inaanak mo ha walang tigil ang pagchicheer niya kanina sa'yo. Ang galing mo talaga kanina Manny! Kung alam mo lang ang pagpapahirap naming magnobena dito para lang manalo ka! Isabay mo na rin sa pag-uwi mo yung pinangako mong 60gb iPod sa'kin remember? Ikaw ha...^^ Utang na loob mo na lang sa'min 'yon! Ingat!

Binyagan na 'to!

CONGRATULATIONS!!

Hindi ikaw ang 1,000,000th visitor kundi isa ka sa mga mapalad at pinagpalang makakapagbasa nitong blog na to. Ihanda mo ang sarili mo sa walang kabuluhang katarantaduhang ihahatid ko para sa'yo, dude. At dahil ito ang kaunaunahan kong post, hayaan niyo muna akong magpakilala:

Ako si John Onofre G. Dizon (hindi ko apelyido ang Onofre, utang na loob kaibigan), 21 years old, isang nursing student ng Jose C. Feliciano College (The school for your future.. joke joke joke! <---ika nila). May gelpren na ako. Iisa lang siya. Wag kayong mag-alala at ipapakilala ko rin siya sa inyo. Di ko na pwedeng ibahagi sa inyo ang ibang impormasyon tungkol sa'kin dahil baka kidnapper ang isa sa inyo. Pero para mabigyan kayo ng magandang larawan tungkol sa aking pagkatao, sasabihin ko sa inyo ang 10 adjectives na madalas ipang describe ng mga kaibigan ko tungkol sakin:

10.) Tabingi ang ulo pakaliwa - Madalas kasi sa kanan ang mabigat kong shoulder bag. Siyempre babawiin ng ulo ko ang bigat kaya hahatak papuntang kaliwa. Pagkahubad ng bag, ayaw nang bumalik ng ulo.

Maaari ring dahil ito sa madalas kong pagsakay ng Philippine Rabbit. Tuwing sasakay papanhik sabay iwas sa TV ng bus.

9.) Bondats ang tiyan - Baket ikaw ba hinde? Pare-pareho lang tayo brads!

8.) Ulyanin - Memory gap? Drink Anlene.

7.) Matangkad - Sa height na 5'11'', lahat na lang ay tinatanong kung nagbabasketbol ba daw ako. FYI, di po ako marunong magbasketbol. At sa mga maliliit na laging humihingi ng tangkad sa akin, kayo'y kaawaan nawa at ipagdarasal ko na lamang kayo.

6.) Maitim - Di naman inborn ito. Nangitim lang talaga ako dahil sa swimming lessons nung Grade 4 (totoo naman eh!). Nababadtrip lang ako kasi para bang hindi na "in" ngayon ang tall, dark, and handsome.

5.) Matangos ilong - Namana ko sa Mommy ko. Sa apat na magkakapatid, ako na ang pinakasarat. Blacksheep of the family nose-ly speaking.

4.) Mahilig sa ******* - Guess the word!

3.) Madimples - ISA NA NGA LANG YUNG POSITIVE DI MO PA KO PAGBIBIGYAN??! Over ka naman, chong. Meron naman talaga e lumilitaw naman pero pilit lang. At least meron pa rin 'di ba.

2.) Flat-footed - Eto marahil ang pinakamatibay na ebidensya na close relatives talaga nating mga tao ang mga apes (kung tao man ako). Sa haba na 11 inches, hindi proportional ang mga paa ko sa taas kong 5'11''. Kumbaga mayroon akong paang pang 6'3''. Astig din naman itong paa ko sabay sipa sa mukha ng kaaway mo dedbol agad. Drawback: Goodluck na lang sa paghanap ng magkakasyang sapatos sa'yo.

At ang champion sa lahat!!

1.) Malaki ang mata - Manhid na ko diyan noh. Tanggap ko na ang mga pintas na Cyclops, Kulagat, Flashlight, at Bart Simpson. Kung alam niyo lang gaano kasaya magkaroon ng mga matang tulad ng sakin, hindi niyo makikita ang mundo sa perspektibo ng paningin ng ating mga kaibigang ibon (aka Bird's Eyeview). At masarap gumising sa umaga na kakaunti lang ang tatanggaling muta. Yun nga lang, lugi lang ako sa inyo pag mahangin, madaling mapuwing eh sagap ba naman neto lahat ng hangin.

Tao po ako. Sumosobra ka na ha! Grrrr...

O hayan pinangunahan ko na kayo. Next time magbubuhat na ko ng sarili kong bangko. Kung alam niyo lang kung gaano kadami ang nanliligaw sa'kin mainggit kayo! Pinagaagawan nila ako! (mga bading 'yung mga manliligaw na 'yun ni John)

Anyway, itong Online Tabletas ay hindi ibig sabihin na parang Biogesic na 'pag may lagnat ka e iinumin mo. Wala rin itong kinalaman sa pagooral contraceptive pills ko (ooopss!!), at lalong wala rin itong kinalaman sa droga. Ang blog na 'to ay likom ng mga daily experiences at perceptions ko. Tabletas from the root word tablet which was derived from the word table. Trip kong pangalanan ang blog ko ng ganito kaya pabayaan niyo na lang ako kung saan ako masaya.

So 'yon. Kung may sasabihin ka pa, please feel free to click the comment button below this message. Salamat sa'yo kapatid!