Mahiwagang Pag-ibig
Alam kong minsan pumasok na rin sa isip mo na "Puro naman walang kwenta tong post ni John" o kaya'y "Ano ba yan! 'Di ako makarelate". Pwes, dito malamang makakarelate ka na. Bwisit ka.
Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang kwento ng first love, first boyfriend, first crush, first kiss, first holdinghands, first -tooot-, first hug, first LQ, etc. Ako naman ay may kuwentong first humiliation to my crush. Naaalala ko pa noong Grade 2 ako, seatmate ko pa noon ang longest-lasting crush ko. Ipinagmayabang ko sa kanya na kapag nangulangot ako, maya maya lang ay dudugo na ang ilong ko (epistaxis ang medical term nito). Umaga pa lang kasi ng araw na 'yon ay dalawang beses na kong nagnosebleed sa ganung paraan. At ganun na lang ang pagmamayabang ko no'n sa crush ko. Sinabi ko talaga 'yun ha. "Uy! Tignan mo 'to ha 'pag nangulangot ako dudugo itong ilong ko... PROMISE! Tignan mo man. O eto ha..." O 'di ba exotic. At yun, nagdial na nga ako ng 911-11-11 sa ilong ko. After a few moments, ayun na. Dumugo na nga. Nagpanic na ang mga kaklase ko. Nagpanic rin ang teacher ko at tinulungan ako mag wash-wash ng blood-blood sa aking nose-nose sabay tanong sa'kin, "Di ka ba naligo kanina?", "Male-late na kasi ako Ma'am eh..." Pagtapos n'on ay pinahiga ako sa mga table sa likuran para hindi na magpatuloy ang pagtulo ng dugo sa aking ilong (Waaaa anjologs ko huhuhu...). Bidang bida talaga ako nung araw na 'yun. "Dear Crush, kung nababasa mo man ito ngayon, isipin mo na lang na hindi ikaw ang kinukuwento ko dito." Napahiya man ako, at least hindi ko katulad yung ibang mga bata na kinakain yung kulangot nila. Ako tinapon ko naman (binilog muna siyempre).
Alam ko naman sa itsura mong yan na hindi ito ang hangad mong love story na pagusapan dito. Gusto mo ba ng love story ko? Ayaw ko ngang magkwento. Confidential. Joking aside, kwentuhan ko na lang kayo ng mga natutunan ko sa school tungkol sa L-O-V-E...
"Mamahalin kita habambuhay. Aabutin ang mga tala. Tatawirin ang sapa. Tatalunin ko ang 23rd floor at aakyatin ang Mt. Everest ng walang oxygen tank mahal ko... Isusugal ko ang aking buhay, mapasa'kin ka lamang... Ipagtatanggol kita laban sa kampon ni Draco, aking irog..."
Mahiwagang pag-ibig nga naman oo. Hahamakin ang lahat maging akin ka lamang. Ngunit alam niyo ba kung bakit ganito na lamang kalakas ang ating loob basta ba minamahal na natin ang pinaguusapan? Alam niyo ba kung ano ang nagpapabilis ng tibok ng puso niyo at ang nagpapakilig at nagpapakilabot sa mga braso niyo? Ito ay dahil mataas ang level ng dopamine mo sa iyong katawan. Ito ay ang hormone na nagpapapuyat sa'yo sa kaiisip sa crush mo, ito ang nagpapalakas ng loob mo na magpropose sa kanya, ang nagbibigay sa'yo ng urge na makipaglabing-labing, etc. In short, passion and obsession.
Ngunit ang passion at obsession na ito ay hindi panghabambuhay. Ayon sa panulat ni Lauren Slater sa Feb '06 issue ng National Geographic, habang tumatagal, ang mataas na dopamine level ay ikapapagod na ng utak at magkakaroon ito ng tolerance. Isipin mo ang shabu addict na habang tumatagal ay padagdag ng padagdag ang hinihinging shabu ng katawan niya. Ganun din ang dopamine. Darating rin ang panahon na mai-immune ang utak natin dito at ito naman ay papalitan ng hormone na oxytocin.
Kung ang dopamine ay ang hormone ng passion and obsession, ang oxytocin naman ay hormone ng intimacy and companionship. 'Di tulad ng bibo at maalab na dopamine, ang oxytocin ang nagbibigay sa'yo ng pakiramdam na kumportable ka sa asawa mo o sa long-time jowa mo, 'di tulad noong mga batang sweet pa kayo at pa-twee-tums. Mataas ang oxytocin levels ng mga mag-asawa na ng mahabang panahon, ang mga nanay na nagpapadede ng anak (pareho silang naglalabas ng oxytocin nito), at ang pagbobonding ng magulang sa mga anak.
Kung susumahin:
- dopamine - sa mga in-love (first love, puppy love, newlyweds, etc.)
- oxytocin - sa mga may true love (long-term spouse, mga anak, alagang hayop, etc.)
Marami ang nagsasabi na ganyan lang pala tayong mga tao. Pawang mga robot. May mga hormones lang pala tayo na nagdidikta ng pag-ibig natin sa isang tao. Wala na 'yung magic. Pero kung iisipin mong mabuti, bakit ba iintindihin mo pa ang mga itinuturo sa school at sa sinasabi ng National Geographic tungkol sa kung papaano ang siyensiya ng love? Isipin mo na lang na kung nagsasaliksik man sila kung papaano naaapektuhan ng love ang utak, hindi nila kailanman maipapaliwanag sa atin kung papaano nito naaapektuhan ang puso ng bawat isa sa atin na nagmamahal. Para sa akin, may magic talaga.
So 'yon!
Sa mga hindi makarelate, sorry po at 'di na po mauulit. Sa mga kaklase ko sa nursing school, sana lumabas 'to sa board exam natin mga tsong!! (asa pa ko)
Kung love life ko naman ang tatanungin niyo, ikukuwento ko rin yan sa inyo next time.
SO LET'S ALL MAKE LOVE & NOT WAR!

Unfortunately, wala akong kwento tungkol sa "first boyfriend". Sayang. T_T
Posted by: Clarence | November 20, 2006 05:47 AM
Huwaaww!
Papano ka nakakapagcomment ng ganun kabilis? Kakapost ko pa lang e hehe.
Clarence manligaw ka na kasi..
Posted by: John | November 20, 2006 06:24 AM
Bakit ngaun ko lang to nabasa? Grats sa iyong blog!
Posted by: - EinJeL bOnE - | November 29, 2006 05:30 AM
Parang extension 'to ng Pangya Forums ah!
Posted by: Clarence | November 29, 2006 05:24 PM
Salamat Einjel!
Now that there's two of you reading my posts, magpapainom na ako ng ice water!!
Posted by: John | November 29, 2006 05:58 PM
pag kabukas ng friendster mo natawa ako sa picture mo ..john ano ba yan nadiri ako sa pagkain ng kulangot.. yuckk!!! meron bang ganon kumakain ng kulangot nakakadiri talaga...nakakatuwa naman experiance mo ano ba yan totoo o baka joke joke lang... sure ako pag di nursing or medicine ang nagbasa nang blog mo di makakarelate pero ang galing mong mag kumbinasyon ng mga gamot sa kwento mo nakakatuwa okey na okey...kwento kapa ulit.. hehehe.. bye
Posted by: evelyn | November 30, 2006 03:02 AM
Salamat Ate Evs!
Yung kwento ko sa kulangot totoo yun. ^^
Posted by: John | November 30, 2006 01:12 PM
Hmm.. parang ngaun din ata gnun p din hehe joke!ü
Posted by: liezl | December 2, 2006 12:59 AM
Ayoko sa kulangot sawa na ako. Muta at tutuli naman ang tinitira ko ngayon.
Posted by: John | December 2, 2006 02:16 AM