« Binyagan na 'to! | Main | Mahiwagang Pag-ibig »

Pacquiao Season

Pacquiao Season na naman! Sikat na sikat na naman si kapatid na Manny sa pagkaka-knockout sa kanyang karibal na si Eric Morales sa loob lamang ng tatlong round. Pagpunta roon, si Manny ang bukambibig. Pagpunta mo rito siya pa rin ang bukambibig. 'Di mo na sila maawat. Manny fever is on the rise. Tiyak na maglilipana na naman ang pagmumukha ng ating bida sa mga TV commercials, guestings, interviews, at endorsements. Tunay nga namang para sa bayan ang prisyo natu.

Tuwing Pacquiao Season hindi naman talaga boxing ang pinakausong laro sa mga Pacquiao Fanatics. Pustahan. Ito ang mas nagpapasabik at nagpapadagdag thrill sa bawat round ng inaabangang boxing match ni Manny. Kung si Pacquiao ay may secret technique and strategy sa pamboboxing, ibang strategy naman ang alam ng ating mga kababayang fans. Papanoorin ang Live Telecast na laban ng alas-dose ng tanghali, at pagtapos ay pupuntahan ang mga kakilalang tricycle drivers na nanonood lamang ng delayed telecast sa Channel 2 na alas-dos pa ng hapon maguumpisa. Sila, sabik na sabik pumusta sa kalaban samantalang ikaw mismo, alam na kung sino ang panalo. Sure win nga naman 'di ba. Kung nakauto ka, swerte mo. Pero kung nabuko ka, tumakbo ka na at 'wag mo ng hintaying magtransform ala-Manny ang kapustahan mong ginoyo mo.

Ang Pacquiao Season ay para ring FIESTA. Yun ay applicable lamang kung nakacable ka (via pay-per-view). I-ready mo na ang mga upuan at sa mga ipapakain mo sa mga kapitbahay mong makikinood lang daw sa Live Telecast ninyo.

Ang Pacquiao Season rin ay parang Semana Santa. Kahit matulog ka sa hi-way ay 'di ka mapapano dahil nagmistulang ghost town ang buong Pilipinas. Tahimik at nakakatakot sapagkat lahat ng tao ay nasa kanikanilang mga lungga at nakatutok sa kanilang mga TV.

Ang isa pang nakatutuwa sa Pacquiao Season ay ang mala-surround system na paghiyaw ng mga tao sa bawat maikno-knockdown ni Manny ang kalaban. HUUWOOOAAAHHH!!!!! Sigaw sa kanan. HUUWOOOAAAHHH!!!!! Sigaw sa kaliwa. Umaalingawngaw ang pagchicheer nila sa idolo. Kung naiirita ka rito ay itulog mo na lang dahil kahit saan ka tumakbo, centralized ang pag-HUUWOOOAAAHHH ng ating mga kababayan. Nakakapangilabot!

Bukod sa pagboboksing, pinasok na rin ni Manny ang entrepreneurship, ang recording industry (ikstrem! ikstrem! madsek seng!), ang pag-aartista, at bali-balita na rin na kinumpirma na ni Manny ang posibilidad na papasukin rin niya ang pulitika. Kung magiging Presidente man siya balang araw, may nailikha na ang ating mga kababayang blogger na bills if ever mang maging presidente siya ng bansa.

View this photo

Sa kumpare ko nga palang si Manny. Congrats ulit chong! Nareceive mo ba yung text ko kanina? Kelan ka babalik ng 'pinas? 'Yun palang pangtuition ng inaanak mo ha walang tigil ang pagchicheer niya kanina sa'yo. Ang galing mo talaga kanina Manny! Kung alam mo lang ang pagpapahirap naming magnobena dito para lang manalo ka! Isabay mo na rin sa pag-uwi mo yung pinangako mong 60gb iPod sa'kin remember? Ikaw ha...^^ Utang na loob mo na lang sa'min 'yon! Ingat!

                            

Comments

Kaninang umaga, nakatanggap ako ng text na talo daw si Pacquiao ng 17th round. Hindi ko alam kung tanga siya o kung tinetesting niya lang kung tanga ako. 60GB lang pala inorder mo ah! Dapat 80GB na para 5th generation iPod!

Pagdating ko sa school kanina puro Pacquiao na lang narinig ko. Magmemerienda ako sa kanto Pacquiao pa rin pinaguusapan ng mga tindero.

GIVE ME A BRRRREEAK!!

Hehe joke lang pareng Manny ah!
Yung iPod ko. Bakit kay Clarence 80GB?
Manny naman....

kakatuwa ka naman john!! parang one of the most supporting fans ni manny ha!!! okey lang pwede kang news caster parang nag survey ka ata nung laban ni manny noh? talagang detalye ang news okey lang enjoy naman magbasa....sana maibigay ni manny ang ipod mo he he he he he!

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .