Bittersweet
~ Proud ako!
~ Proud ako dahil may girlfriend ako.
~ Proud ako dahil may girlfriend ako at hindi ko siya kasama.
~ Yea, that's right. Hindi ko nga siya kasama.
Oo, kapatid. Long distance relationship nga. Sadyang matamis nga naman ang pag-ibig. Pero sa mga sitwasyon na katulad ng sa amin, magkahalong saya at bigat sa dibdib ang 'yong dadanasin.
Masakit isipin na sa simula't simula pa lamang ng aming pagiging mag-boyfriend/girlfriend ay hiwalay na kami. Unang araw pa lang pagtapos ng aming first "I love you", magkalayo na kami.
Naaalala ko pa noong unang dalawang taon namin, halos hindi kami nakakapagkita o nakakapagusap man lang. Isang beses sa isa o dalawang buwan lang kami nakakapagkita. Ang tanging communication namin noon ay tig-P30 a day na load namin na uubusin namin sa loob ng dalawang oras. P30/day(bawat isa sa'min) lang ang kaya naming i-load dahil studyante lang kami. P30 = 30 texts = consumed within 2hrs. Bukod pa dun, wala na. Pero ngayon ay maswerte na kami dahil available na ang unlimited calls courtesy of Sun Cellular. Kahit mahina ang signal, siyempre okey lang. Kahit mahirap tumawag, siyempre okey lang. Kahit baduy, siyempre okey lang. Lahat ng bagay gagawin mo siyempre para marinig ang tinig na pinakaaasam-asam mo(hayup naman!).
Nagtataka siguro ang marami kung bakit ko ginusto na pasukin ang ganitong klase ng relasyon. Sasabihin ko sa inyo, hindi ko ginusto ang ganito. "Kung nakakita ka ng dyamanteng kumikinang-kinang sa lupa, hindi mo ba ito pupulutin?" (Whoa! Wattananalogy!). Pinulot ko lang ang pagkakataon na alam kong hindi na kailanman darating.
Halos mag-aapat na taon na kami. Sa once a month naming pagkikita, masayang masaya kami sa iisang araw na 'yon na nagkakasama kami. Pero lahat nga daw ng saya ay panandalian. Lahat ng excitement ay may katapusan. Maaalala mo na lang ang katotohanan na magkalayo na naman kayo pagtapos ng araw.
Madalas tanungin sa'kin, "John, papano kayo nagtagal ng ganyan katagal kahit long distance kayo?" Hindi ko rin alam eh. Hindi ko alam ang equation ng isang successful na long distance relationship. Pero meron akong mababanggit na iilang good points na nakakikita kong strengths ng aming pagsasama. Sa pagkakataong ito, maaari niyo 'kong tawagin sa ngalang Jowdie Mango.
Una, be childlike yet mature. Ika nga nila, too much of something is not helpful. Hindi makakatulong ang araw-araw ninyong pagtatampuhan at pagtatalo. Ang madalas na tampuhan ay walang maitutulong sa inyong relationship at maaaring dahilan ng 'di pagkakaunawaan, pagiging KSP, or simply immature love.
Ikalawa, balansehin ang dopamine-oxytocin surge sa inyong mga sarili. Minsan, ang pagiging obsessed ay maituturing nating isang illness. Ibig sabihin, kahit na nakaugnay ka na sa isang tao, hindi mo dapat malimutan na nabubuhay ka pa rin sa totoong mundo. Do not let yourself get carried away. Kailangang ikaw pa rin ang may kontrol sa sarili mo at hindi ang obsessive behavior mo. At 'wag mong kakalimutan ang mga responsibilidad mo, lalo na ang 'yong pag-aaral kung ikaw ay studyante.
At dahil nga balanse dapat, kailangang panatilihin ninyo ang spark sa inyong pagsasama. Ang pag-release ng dopamine ay puwede mong makuha sa mga vigorous o exciting na activities kasama ang iyong partner tulad ng pagjo-jogging, pagsakay ng rides sa karnibal, pagsu-swimming, etc.
Ikatlo, GIVE & TAKE. Ang paguunawaan at pagbibigayan ay isa sa mga key elements ng isang magandang relationship. Dito madedevelop ang intimacy & companionship na sangkap ng true love.
At higit sa lahat, ang pinakaimportanteng sangkap ng magandang pagsasama ay honesty & open communication. Walang problemang hindi naisasaayos sa magandang usapan. Dahil kung poor ang inyong communication, ang simpleng misunderstandings ay hahantong sa mas malaki at sanga-sangang problema. At ang pagiging tapat sa iyong partner ang siyang magpapatibay ng tiwala ninyo sa isa't isa.
Para sa mga long distance na magnobyo o mag-asawa na nasa abroad pa ang kanilang partner, saludo ako sa inyo!
Sa mahal kong si Liz, 'wag kang mag-alala dahil kahit malayo pa rin tayo sa isa't-isa, hinding hindi ako mambababae. Kahit 'yung nurse na sumisimple ng 'stolen shot' sa'kin sa Dagupan ay hindi ko papatulan. Ikaw lang lagi ang nasa isip ko, aking irog. Salamat pala sa binili mong Apricot Scrub para sa'kin. Na-try ko na kanina at ang sarap sa mukha. Nafifeel ko ang microbeads na tinatanggal ang dead skin at libag-libag sa aking face. I-try niyo rin & see the difference!

Salamat s iyong mensahe aking irog wag kang mgalala lubos ang aking tiwala sau nd man tayo araw araw mgkasama s puso't isip ku ikaw lamang sinta..
P.S
Nakalimutan kung sabihin n "foot scrub" ung binigay ko sayo kaya s susunod s paa mu n gamitin ha..
Posted by: liezl | December 8, 2006 12:13 AM
Grrrrr... walangya ka!
Sabagay sabi nila mukha naman daw akong paa.
Kaya pala medyo nangati..
Posted by: John | December 8, 2006 02:33 AM