Dorm~SWEET~Dorm
Kumuha ka na ng popcorn at unan dahil mahaba-haba itong post na 'to. Uumayin kita ng ka-cornyhan.
Isa sa mga pinaka-exciting sa college life ko ay ang pagtira sa isang apartment o sa dormitoryo. Mula isuka ka sa mundong ibabaw ay sa bahay ka na dinala hanggang tumanda ka na't tubuan ng buhok ang iyong kili-kili nasa bahay ka pa rin. Kung sawang sawa at bagot na bagot ka na sa buhay mo, mainam siguro na i-try mo ang kabilang buhay. Joking aside, mag-eenjoy ka talaga pag sinubukan mong tumira sa dorm na malayo sa mga magulang mo.
Dalawang taon akong nanirahan sa apartment sa Sampaloc, Manila sa unang dalawang taon ng aking college kasama ang apat ko pang high school friends. Isang buwan rin akong nanirahan sa Dagupan City para sa affiliation namin kasama ang 27 kong kaklase. Tatlo sa kanila ay aking room mates. Sa tinagal tagal kong nagdodorm, sari-saring hirap, kalokohan, at katarantaduhan ang aking naexperience. Isa ito sa mga most unforgettable and happiest part ng college life. Kaya para sa'kin, masasabi kong hindi makukumpleto ang college experience mo kung hindi ka nakapagdorm. Sa dorm/apartment, iba't ibang tao ang makakasama mo. Nariyan ang mga tunay na kaibigan, ang mga kaibigan, ang mga not-so-close kaibigan, ang mga bading at mapag-chancing na kaibigan, at ang mga buwisit-sa-buhay-mo na mga kaibigan. Sa mga 4th year high school students diyan at balak pumasok sa mga dormitoryo sa kolehiyo, ish-share ko sa inyo ang ilang mga tips at experiences ko para hindi kayo maloloko, malalamangan, at mauuto, kundi para KAYO ang manloloko, manlalamang, at mang-uuto. Marami rin akong tips and tricks tungkol sa pagbubudget ng pera, sa pag-rereview ng lessons, atbp. Sa pagkakataong ito, bibigyan ko ang mga nagdodorm ng katawagang DORMSTERS. Read on!
- Wag mapapasubo sa bisyong billiards, alak, o computer games. Kakainin nito at uubusin ang pera mo na parang buwaya at iiwan kang luhaan.
- Kung ang baon mo ay pang isang linggo, lunes at martes ay mayaman ka. Miyerkules ay nagtitipid ka na. Huwebes ay ummutang ka na. Biyernes ay pamasahe pauwi na lamang ang pera mo.
'PAG UBOS NA ANG BAON NA PERA:
- Mahirap i-budget ang baong nakalaan para sa isang linggo. Lalo na pag nagtitipid ka o may pinag-iipunan ka. Mainam na bago umalis ng bahay(provincial) ay magbaon ka ng sangkatutak na groceries.
- Sosyal ang mga dormster. Hindi sila kumakain ng kanin. Ang staple food nila ay noodles. Nissin Cup Noodles.
- Pero 'pag mag may stove, etc., ang pinakatipid na kainin ay pancit canton. Lucky Me Pancit Canton (Chilimansi Flavor).
- Pag wala ka ng pera, magnoodles ka.
- Pag wala kang noodles, magkape ka na lang.
- Pag wala kang kape, magdelihensya ng noodles o kape sa kabilang room.
- Mas okay kung kukupit ka ng noodles/kape sa drawer ng room mate mo. Siguraduhin mo lang na hindi niya bilang 'yung mga 'yun.
- Ang noodles at kape ay walang sapat na sustansya para sa studyanteng tulad mo. Ampaw. Wala nang laman ang tyan mo, pati utak mo puro hangin na lang. Utak-ampaw.
- Upang maiwasan ang kabobohan dala ng 'di sapat na nutrisyon, dagdagan mo ng brain food ang diet mo pero 'yung mura lang para tipid ka pa rin. Sahugan mo ng nilagang mani ang noodles mo at timplahan mo ng Sugo roasted peanuts ang kape mo. Mura na, nutritious pa.
- Libre ang tubig. Gawin itong pampalipas gutom.
- Mag-isip ng racket na maaari kang magkapera. Gamitin ang iyong critical thinking.Tandaan na ang mga nagdodorm ay walang dalang can opener. Magdala ng can opener at singilin mo sila ng tig-tatlong piso sa bawat latang ipabubukas sa'yo.
- Dito ko natutunan na may business palang hindi na kailangang kuhaan ng permit. Ang Sari-Sari Dorm.
- Maaaring magpaskil ng advertisement sa pintuan para mabasa ng lahat: Plantsa: 3 pairs for P50, Laba Underwear: P5 per piece, Pa-text: P5 per message, Pa-call (Sun to Sun only): P3 for every 10 mins., Pathophysiology: P30 per case+15 min. free discussion, Bukas de Lata: P3 per can.
- Maaari rin kayong mag-massage service sa rate na P300/hour. Kikita ka rito lalo na 'pag guwapo ka at matipuno ang iyong pangangatawan.
PAGDATING SA PAG-AARAL
- Matulog ng maaga. Ipagpabukas na lamang ang chika-chika.
- Pwede ring 'wag matulog ng maaga. Kung magpupuyat ka sa pag-aaral mabuti na ang may stock ka ng kape sa drawer mo.
- Kung matutulog ka muna bago mag-review, iwasan ang pagtawad sa alarm clock ng "last 5 minutes" o kaya'y "last 30 minutes na lang talaga, promise!"
- Tandaan na ang kape at yosi enhances mental performance. ENHANCES MENTAL PERFORMANCE. Ngayon may dahilan ka na para mag-yosi.
- 'Wag maniwala sa 1 bottle of beer relaxes the mind & improves memory. Dahilan lang yan ng ibang studyante para maka-toma. Aantukin ka lang dyan.
- Effective rin ang group study. Pero bago pumunta sa bahay ng klasmeyt, manumpa sa isa't-isa na walang magkukuwentuhan tungkol sa lovelife, walang magdadala ng beer, walang manonood ng DVD, at walang magbabasa ng FHM.
- Maganda ang pagfoformulate ng mga mnemonics 'pag enumeration o yung pagkuha ng first letters ng mga salitang imememorize mo. Pagdating sa skul, agad mo itong iukit sa desk mo.
'PAG KAAWAY MO ANG DORM-MATE MO
(Warning: Gross content. Paumanhin sa mga kumakain.)
- Dahil nagkakasama-sama kayo sa isang kwarto, nagkakaalaman kayo ng mga baho, lalo na ang mga OA sa tamad na hihintayin pang amagin ang pinagkainan sa kitchen sink bago ito linisin. 'Pag may nakaaway ka sa kanila, unahan mo na bago ka maunahan.
- Kunin ang toothbrush ng kaaway at dahan-dahan mong ibabad sa toilet. Kung malalim ang galit mo pwede rin sa toilet na nawiwian mo ito ibabad. Kung malalim na malalim talaga ang galit mo pwede mo rin itong ikaskas at ipanlinis sa toilet niyo (slightly lang ha para 'di manilaw 'yung bristles). Ibalik ang toothbrush sa dating posisyon para 'di mapaghalataan.
- Lagyan mo ang kanyang C2 Green Tea na nasa ref ng isang kutsaritang w*wi.
- Magtext ng death threat gamit ang unknown number(buwahahahaa!!)
- Manghuli ng maliliiit na daga o ipis at ikandado ito sa aparador ng damit ng kaaway mo. Butas ang jockey mo! Wahahaha!
(Ang mga nabanggit ay based from experience.)
OBSERVING PROPER HYGIENE ('PAG GIPIT)
- Ang pagkaskas ng deodorant sa kilikili ay pwedeng every other day. Pero kung wala kang deodorant, hiramin ng patago ang deodorant ng ka-dorm.
- Ang brief ay may side A at side B. Use them wisely.
- After magamit ang side B ay wag nang babalik sa side A. Mahal ang Trosyd, kaibigan.
- Ang medyas ay may side A at side B rin. Maaari kang bumalik sa side A kung mababa lang ang mileage na pinaggamitan mo no'n. May expiry date ito ng 1 week.
- Panatilihing malinis at maputi ang uniform. Alalahanin mo, yan pa rin ang gagamitin mo bukas.
- Iwasan magkamantsa ang uniform o malagyan ng kahit anong spots na maaari nilang gawing tanda para bukuhin na nag-uulit ka ng uniform.
- Kung may pang-laundry ka naman sa baon mo (@ P20-30 per kilo), pwede mong i-skip ang mga nabanggit sa itaas. Pero kung wala, i-apply mo ang mga itinuro ko sa'yo at isipin mo na lang na naliligo ka naman araw-araw.
'PAG NAHOHOMESICK
- Hindi ka dapat ma-homesick dahil once in a blue moon ka lang mabigyan ng ganitong opportunity. Enjoy your liberty! Gawin mo ang mga bagay na hindi mo nagagawa sa bahay!
- Humiga buong araw habang nanonood ng TV. Walang mambabawal sa'yo! Maging miyembro ng KTT (Kain, Tulog, Tae).
- Magpunta sa Internet Cafe at magkompyuter buong araw at magdamag kahit bukas ka pa umuwe... OKEY LANG!! (Ihanda ang tear gas para sa mga holdaper at rapist)
- Makipagbarkada at maglakwatsa all day long! OKEY LANG!!
- Kung lalake ka, MAMBABAE KA! Kung babae ka, MANLALAKE KA! OKEY LANG!!!
- Patulugin ang boyfriend/girlfriend sa apartment.. OKEY LANG!!
- Lahat, OKEY LANG!!! BUUWAHAHAHAHAAA!!
ANO? HOMESICK KA PA?!
(Wala akong ginawa kahit isa sa mga nabanggit sa itaas kaya 'wag na 'wag niyo akong isusumbong sa Mommy ko, ok??)
Yan ang tipid tips at iba't ibang tricks na maaari niyong i-apply, mga kakosang dormsters! I-enjoy niyo ang liberty ninyo basta 'wag lang papasobra ha? Basta lagi niyo lang tandaan na ang liberty is the statue of New York (weehhhh!!) See ya repapeeps!!
(Mas nababagay pa yatang maging ROTTEN.COM na lang ang title ng post na 'to)

MASAYANG MASAYA AKO SA POST NA TO! YEHEY YEHEY YEHEY! Natutuwa ako. Gusto ko na tuloy mag-dorm. Hanep ka. Husay mo talaga idol. Kung lumipat ka kaya sa Blogspot? Mas mabibigyan ng pansin ang blog mo sa ganung lugar eh. Mas sisikat ka. LoL! Ang husay husay ng entry mo! BOW!
Posted by: Clarence | December 1, 2006 04:58 AM
Waaa kaw talaga Idol Clarence.
Sa blog mong "Kamote Force" nga ako na-inspire kaya nagblog ako e. Clarence-based lang ako, ikaw talaga ang idol namin! Kaya magupdate ka na rin ng blog parang awa mo na para na rin saming mga fans mo!!
(Ang blog ni Idol Kamote ay makikita sa http://cycle.blogs.friendster.com/ )
Posted by: John | December 1, 2006 06:44 AM
Jusko. Walang idea. Pero natutuwa ako dahil nag-uupdate ka at hindi ka pa nauubusan ng idea. Yehey! Idol kita!
Pero seryoso nga, ayaw mong lumipat sa ibang host? Kasi mas okay daw dun eh. Ako kasi di na makalipat dahil tinatamad na ako. Naka-51 topics na ako. Kakatamad.
Idol! Hanep na post! MWAH!
Posted by: Clarence | December 1, 2006 07:35 AM
Sige na bro update ka na kahit ano lang ang isulat mo magagawan mo naman ng kuwento (parang yung last post mo about pasmation hahaha).
Anyway, sige try ko yang suggestion mo idol. Saang host ba madaming tao?
Posted by: John | December 1, 2006 07:55 AM
Okay daw sa blogspot eh. Ang dami din dung mahuhusay na manunulat. Mas bagay kang mapunta sa bloggers' circle (imbento ko lang ang term na yan. LoL!)
MUWAHZZZ!!!
Posted by: Clarence | December 1, 2006 04:47 PM
gago ka!!! matagal n taung hnd ngkikita ah.. malapit ng mg-1 year nung last tau ngkita nung sinundo ko ang EX ko sa terminal ng dau.. paramdam k naman papa... gusto mo bng pangalanan ko mga kasama mo sa dorm at knino toothbrush ang pinaglinis...
Posted by: hentai | December 1, 2006 05:39 PM
Wow! Ganda naman ng post n 2! (nakakarelate aku..=p)hehe sensha ngaun ko lng nabasa kaya ngaun lng ko mgcomment hehe
Idol! Matagal n kita idol e ac2ly madame kme humahanga sau, sana mkita n kita s personal para mkpagpautograph aku!ü
Share ko lng s kanila magaling po shang writer dme n nya nasulat haha as in madame na! Me collection nga ku ng mga un e nkcompile pa!
Posted by: liezl | December 2, 2006 12:53 AM
@hentai
Kita tayo sa Christmas break ha! 'Wag ka maingay tungkol dun sa toothbrush baka abatin ako sa labas. =p Bago pala girl mo ah pakilala mo naman jan..^^
@liezl
Kapatid ko kumusta ka na?!
Long time no see ah! Sige bigyan kitang autograph mula kay tiger.=)
@Idol Kamote
Idol nakagawa na ko! Kaso hindi ko pa alam papano i-promote e pag-aaralan ko muna. Sabay na tayong mag-update para mas masaya!
Posted by: John | December 2, 2006 02:15 AM
Isyu 'to ah. Di pa ba kayo nagkikita ng Liz? Basta alam ko Pangya ang trip niyo. LoL!
Tunog Boy Abunda na ako ah.
Posted by: Clarence | December 2, 2006 02:56 AM
Textmate lang kami nyang c Liz...^^
Posted by: John | December 2, 2006 03:01 AM
helo! ncurious ako kse ndi ko naimagine na mgbblog ka! at nagulat ako sa haba ng nkasulat dito!haha nway, mukang based from experience ung toothbrush na nlagay sa kubeta a! (haha totoo pla sha!) pede mg share? kung ktarantaduhan nlng din, uminom ng isang litrong lambanog bago pumasok sa klase!haha cge goodluck sa pagsusulat!=)
Posted by: grAsya | December 2, 2006 07:55 AM
Haha salamat sa pagbabasa Grace!
Onga pala noh nalimutan kong isama nung uminom kami ng isang bote ng lambanog ni Torio bago mag Prelim Exam sa Chem Lab.
Lagot talaga ako pag nabasa ng Mommy ko ang blog na to.
Posted by: John | December 2, 2006 06:34 PM
hehe galing ni john wahahaha
oi john ikaw ba si humblejowdie ng pangya noong beta version pa ito? kasi parang eh hahahaha
ako si garcia ung sa forums
Posted by: Harley | December 3, 2006 05:38 AM
Salamat Harley/garcia!
Oo ako nga yun.
Account ni Liz ang gamit ko ngayon.
Ssssshh..
Chikret lang ha.^^
Posted by: John | December 3, 2006 06:07 AM
Mahaba haba rin yun. Pero ayus lang. Sulit naman.
Sayang at malapit lang ang bahay ko sa school. Walang dahilan para mag-dorm ako. Gusto ko ring subukan yang mga yan. Lalo na yung sa toothbrush. Munyahahaha!! ~*evil laugh*~
Posted by: - EinJeL bOnE - | December 3, 2006 07:53 AM
Haha totoong nangyari yung sa toothbrush. Malalim na malalim ang galit namin sa dorm mate naming yun. WAHAHAHAHAA!!
Posted by: John | December 4, 2006 02:39 PM
bradz, tpos ko ng mabasa blog mo! ntatawa ako sa tungkol sa kulangot mo, hehe.. my i-bubuysit na nman ako syo bks sa seminar sa jbl..lagot ka sken.. wel bradz, enjoy bnabasa ung blog mo, da best.. kelan ka ulit mag a-update??? cnt w8 to see another one.. c paolito na lng ang pi2litin mng bsahin ang blog mo dhl ako nbasa ko na, hinihintay ko nlng ung su2nod. continue mo lng gngwa mo.. mgaling.. P.S. NAPAKALAKI TALAGA NG MATA MO!!!hehe
Posted by: Flip | December 6, 2006 05:04 AM
Tarantado ka talaga!
Pero salamat talaga sa wakas nakapagcooment na kayo wahahaha!!
See you na lang sa seminar tomorrow tsup!
Posted by: John | December 6, 2006 08:45 AM