« Bittersweet | Main | Pasko! Paksiw! Pasko! »

The X-Men

"Seryoso ang post kong ito. 'Wag niyo itong ite-take for granted."

Mag-ingat ka sa mga taong nakakasalamuha mo. Sa araw-araw na routine ng buhay mo, maraming tao ang iyong nakakausap, kasama mong lumalabas ng bahay, nakakasama mo sa school o sa trabaho. Pero ang ilan sa kanila'y hindi pangkaraniwan. Habang tumatagal ang panahon na nakikilala mo sila, unti-unting lumalabas ang tunay nilang katauhan. Sila pala ay may special powers. Maaaring isa ka rin sa kanila.

Hindi sila mga super heroes, kundi sila ang mga kontrabida. Lahat na ng paraan para sila ay matugis ay nasubukan na, pero sila ay naglilipana pa rin. Ang iba sa kanila'y 'di mo agad matutukoy. Ang iba sa kanila'y mukhang hayop, pero tao talaga sila.

Ang mga taong ito ay nabigyan ng special gifts. Mag-ingat sa kanilang special powers.

THE FIRE DRAGON

Alias: Bad breath, Dragon, Bulok-bagang

Abilities: Matindi ang kapangyarihan ng Fire Dragon. Lahat ng nakakausap nila ay nakakaramdam ng matinding pagkahilo. Ang iba sa kanila ay namamatay.

Papano maging tulad nila: Kumain ng madaming kanin at pagtapos hayaan ang mga naiwang butil-butil sa gilid-giliran ng mga ngipin. Effective rin ang pagkain ng mais at hayaang sumabit sabit ang mga tinga sa gitna-gitna ng ngipin. Hayaang ganito at iwanan ng dalawang linggo. Hilahin isa isa ang mga tinga at idispose. Maaari ring lunukin dahil carbohydrates pa rin naman ito.

Special Attack: Mayroon silang long range attack na tinatawag nilang "HAPPY BIRTHDAY TO YOU" at madalas nilang gamitin kapag magbo-blow ng kandila. Pero ang pinaka-deadly sa kanilang mga attack ay ang FK o ang tinatawag nilang french kiss.

Weaknesses: Astring-O-Sol, Colgate, Pepsodent

BEAST

Alias: Bigotilyo, Bulbu*an

Abilities: Sila ay ang mga kababaihang ipinaglihi sa sisiw ng balot. Ang kanilang mga braso at binti ay pawang abandonadong damuhan. Idol nila ang bigote ni Mr. Suave kaya pilit nila itong ginagaya. Ang iba sa kanila'y naka dreadlocks pa ang mga buhok sa kilikili. Luging lugi ang parlorista sa mga taong ito kapag sila'y nagpapa-highlights, nagpapa-rebond, o nagpapa-relax. Hindi epektibo ang bikini wax kaya't sumisilip pa rin sa kanilang thongs ang buhok sa singit nila. Wala talaga silang special abilities bukod sa manakot.

Paano maging tulad nila: Ipanligo ang hair grower ng tatay mong kalbo.

Special Attack: Werewolf Cry

Weaknesses: Schick, Gillette

JEAN GREY

Alias: Chick, Sexy, Babe

Abilities: Silang lahat ay babae ang kasarian. Mayroon silang Telekinesis o ang kapangyarihang magpagalaw ng mga bagay kahit hindi nila ito hinahawakan. Ang kadalasang pinapagalaw nila ay mga b****toy.

Paano maging tulad nila: Wag ka ng umasa.

Special Attack: Super Yuko, Bilak-Sit, Open Sesame

Weaknesses: Para 'di mabiktima sa kanila, sumigaw ng "Bakla ako!"

MAGNETO

Alias: Tok-pu

Abilities: Isa ito sa mga pinakamakapangyarihan na nilalang sa balat ng mundong ibabaw. Ayon sa Law of Magneticism, "Opposite poles attract, like poles repel". Repelling force ang kanilang ginagamit. Tuwing naglalakad sila, lumalayo ang mga tao dahil sa matinding repelling force nito. Ngunit hindi magnetic force ang kanyang ginagamit kundi ang kinakakatakutang Tok-Pu force. Lumayo ka sa pwersang ito dahil 'pag naexpose ka sa Tok-Pu force ng humigit kumulang na dalawang minuto ay unti-unti kang mangingisay at magbabara ang iyong kalamnan, maninikip ang iyong dibdib, at mamamaga ang iyong ilong at bibig. May sabi-sabing ito ang sikreto ni Hitler sa likod ng kanilang gas chambers.

Paano maging tulad nila: I-adopt ang kanilang paniniwalang, "Bawal maligo kapag hindi full moon".

Special Attack: First Day High, Ma'am Ako Po!, Put Your Hands In The Air, Elevator Kill, Bus Kill, LRT Kill

Weaknesses: Rexona, Axe, Tawas

Ilan pa lamang yan sa mga special people sa ating paligid. Alam ko kung ano ang nasa isip mo.

Oo na ako na si Cyclops oo na sige na ako na Cyclops na ko oo na sige na ako na si Cyclops....

                            

Comments

CYCLOPS

Alias: Mata

Abilities: Power of Mind. Ang taong ito ay may napakataas na concentration sa pag iisip. Madalang mo lang siyang makikitang nagrereview ng mga lessons niya. Ang lagi niyang sinasabi kada exams ay "ewan ko 'tol, di kasi ako nakapag review". Kadalasan ay makikita mo lang siya sa harap ng computer nila at naglalaro ng Pangya. Makikita mo rin na lagi siyang may hawak na papel pag naglalaro. Ginagamit niya ito sa paglalaro ng Pangya pag nandadaya siya.

Pano maging katulad niya: wag ka ng umasa dahil nag iisa lang talaga siya at walang katulad.

Special Attack: 'tol Billiards tayo!; Wag na! Laro nah lang tayo!; Pakikisama!

Ilan lamang ito sa mga salitang ginagamit niya para mawala sa isip mo ang pag-aaral.

Weakness: Billiards, Pangya, R.O.S.E. Perfect World

TANTARADO KA TALAGA TOL!!

Salamat sa kumento mwah! mwah!

Natawa ako sa Law of Magneticism.

Yung ang ginagamit na power ni Magneticito.

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .