« Mr. Procrastination | Main | Project Lafftrip Laffapalooza »

The Escalator Man

Wala na sigurong tatalo sa'kin sa pagkatuwa ko tuwing makakakita ako ng escalator. Kung tatanungin mo nga ako ngayon, masasabi ko talagang mas mataas pa ang pagtingin ko sa nagimbento ng escalator kesa sa gumawa ng PSP at iPhone at talagang to the highest level ang paggalang at pasasalamat ko sa kanya.

Hindi naman sa dahil bano ako tulad ng mga first time na nakasakay ng escalator. Like an oasis in a desert. Like a child to her mother. Like a streetchild to his rugby.  Like Juday to Wowee. Talagang pinapaginhawa lang ng mga escalator ang buhay ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ko sa sarili ko o maaawa, pero sasabihin ko na sa inyo dahil kailangang sabihin.. para hindi mabakante ang blog ko.

O eto na!

Nadevelop ang takot ko sa mga matataas na stairs mula nung minsang papanhik ako at na out-of-balance ako at muntikan na kong bumaliktad. Pinawisan talaga ko ng malamig, nagpalpitate ang dibdib ko, at halos matae na ko sa kaba. Akala ko masisilayan ko na si San Pedro. Pero dahil isa ko sa masasamang damo e nakakapit ako sa railing. Phew!

Pagtapos ng insidenteng yon, tuloy tuloy na. Mas pipiliin ko pa ang i-embrace si Sadako sa pagtulog, o harapin ang sanib pwersa nina Chaka Doll at Tsokoleyt kaysa sa papanhikin mo ko sa nagtataasang mga hagdan sa mall, overpass, at LRT.

Nung minsang kasama ko ang gelpren ko sa mall ay papanhik kami ng 2nd floor. Malayo ang escalator at kaharap na namin ang hagdan. Ang pinakamasama pa dito e may open space sa bawat step, so kita mo talaga yung ilalim pag mataas ka na. Sige! Laban! Mayabang ako e. Pagdating sa gitnang baitang e nangangatog na ang tuhod ko at nahihilo na ko. "Tingin ka sa taas para wag ka malula" sabi ng gelpren ko, pero lalo ako nahilo nang ginawa ko yun at hayun na! Natisod at napaluhod na ko! Syet! Dami pa namang tao nun. Nakakahiya! I'm so jologs. Kaya kahit umuulan, kahit gaano pa kabasa, kaputik, o kadumi ang railing ng hagdan e kakapitan ko talaga yun.

1462524510_28faebcf48_2

Pero wag ka. Pag pababa ng stairs e mayabang naman ako at di ako takot tulad ng sa normal na tao. Ewan ko basta pag pataas lang talaga. Lab na lab ko ang LRT2 at D. Jose station sa LRT at hate na hate ko na ang iba dahil wala silang escalator. Mas pipiliin ko pa ang mag-jaywalking kesa mag-overpass.

Nakakabwisit talaga. Di ko alam kung bawas na ba pagkalalaki ko o ano (labyu pre). Nahihiya lang talaga ako kasi ansama naman ng pagkamatay ko kung sa ganung bagay lang ako madededo. Ano na lang ang sasabihin nila sa lamay ko.. "Ows talaga? Namatay dahil na out-of-balance lang sa hagdan? Ay tanga." << ulul mo.

Malamang sa mga makakapagbasa nito (kung meron pa!) sasabihin mo siguro, "Face your fear, pare!" Lahat na lang yun ang sinasabi saken. Pwes eto sasabihin ko sa'yo:

Che! Magisa ka!

Sa escalator na lang ako bro.

(Labyu.)

                            

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .